Nilinaw ng mga mayor sa Metro Manila na hindi sila kampante hinggil sa mataas na vaccination rate at mababang infection rate laban sa COVID-19.
Ito’y ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos kaugnay ng magandang resulta sa patuloy na pagbabakuna, granular lockdown at contract tracing sa bansa.
Samantala, sinabi ni Abalos na target mabakunahan ng dalawang dose ang 86% sa buong populasyon ng Metro Manila hanggang Nobyembre 10. —sa panulat ni Airiam Sancho