Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi matapos magkulang ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa noong unang bahagi ng taon.
Sa kanyang Talk to the People kagabi, inamin ni Pangulong Duterte na tali ang kanyang kamay noon sa pagkuha ng mas marami pang bakuna mula sa ibang bansa.
Ayon sa pangulo, sa kabutihang-palad ay mayroon namang sapat na pondo sa pagbili ng mga COVID-19 vaccine.
Sa kabila nito ay nag-improve naman anya ang vaccination sa bansa dahil sa patuloy na pagdating ng vaccine supply simula noong Setyembre. -Sa panulat ni Drew Nacino
Ayan dapat ninyong maintindihan. Ngayon, kung kasalanan man yan. Walang iba kundi ako na, aaminin ko na yan, ako yung nasa .. naka-upo ngayon sa opisina ko. So dapat somebody has to .. maski na ginusto ko man e, walang mabili. Mabuti na lang nagkaroon tayo ng konting pera at a.. ang sabi ni Sec. Dominguez, we have the money.. we have the money to pay for the vaccine for all Filipino.