Inirekomenda ni Appropriations Vice Chairman Joey Salceda ang pondo sa ilalim ng 2022 National Budget para COVID-19 booster shots ay ilipat sa gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Salceda, ipinarerelocate niya ang P45-B pondo para sa COVID-19 booster shot sa pagkuha ng gamot sa COVID-19.
Batid niyang ang bakuna ang susi sa pagkamit para maibalik ang normal na pamumuhay ng publiko ngunit mahalaga din ang pagkakaroon ng gamot sakaling magkasakit ng COVID-19 na maari lamang mabili sa mga botika.
Magugunitang ang COVID-19 antibiotic na Molnupiravir na pinaniniwalaang gamot kontra COVID-19 ay nabigyan ng Food and Drug Admnistration ng Compassionate Special Permit. —sa panulat ni Airiam Sancho