Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag ipagwalang bahala ang banta ng COVID-19.
Ito ang inihayag ng PNP matapos makapagtala ng 274,231 ang bilang ng mga lumabag sa quarantine restrictions sa ilalim ng alert level 4 with granular lockdown sa Metro Manila.
Ayon sa PNP, nakabatay ito sa kanilang datos mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 11 ng taong kasalukuyan.
Pinakamarami ang lumabag sa hindi tamang pagsusuot ng facemask at faceshield noong panahong required pa ito sa paglabas ng tahanan gayundin ang mass gathering
Marami rin sa mga lumabag sa curfew ay iyong mga hindi naman Authorized Persons Outside of Residence (APOR). —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)