Patuloy ang pagtanggap ng ulat ng Natioinal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga local counterparts nito hinggil sa pinsalang idinulot ng bagyong Maring.
Ayon kay NDRRMC Executive Director USec. Ricardo Jalad, ini-ulat nitong umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nasasawi.
4 sa mga ito ay mula sa nangyaring flashflood sa Narra sa Palawan, 3 sa nangyaring landslide sa La Trinidad at 1 sa Itogon na kapwa nasa Benguet habang 1 rin dahil sa pagkalunod sa Claveria, Cagayan.
Maliban dito, sinabi rin ni Jalad na may 11 rin ang napaulat na nawawala habang 2 ang nasaktan mula sa 15 naitala nilang insidente ng biglaang pagbaha at 4 na pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)