Posibleng bumaba sa 1,731 ang maitalang araw ang kaso ng COVID-19 pagsapit ng katapusan ng Oktubre ayon sa DOH.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay kung magagawang maibaba sa 4 na araw ang pagtukoy sa tinamaan ng sakit hanggang sa ma-quarantine ang mga ito para hindi na makapanghawa.
Malaki aniya kasi ang nagiging epekto sa bilang ng COVID-19 case kung paano tinutugunan ang mga bagong kaso.
Kaya sinabi ni Vergeire na dapat paghusayin at paikliin ang panahon sa pagtukoy ng mga tinatamaan ng sakit at pag isolate sa kanila.