Inanod ng baha ang nasa 450 kaban ng mais sa bahagi ng barangay Asinga-via, Baggao, Cagayan sa gitna ng pananalasa ng bagyong Maring.
Ang nasabing mga mais ay inani pa umano ng mga magsasaka kung saan, hindi nila inaasahang tatangayin ito ng bagyo.
Dahil dito, kakaunti na lang ang kanilang naisalbang mais na aabot sa 20 sako.
Sa ngayon, baha parin sa nasabing lugar dulot ng bagyong Maring. — sa panulat ni Angelica Doctolero