Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit 4-M halaga ng mga smuggled cigarettes sa Zamboanga City.
Ayon sa mga otoridad ang mga nakumpiskang sigarilyo ay sakay ng dalawang bangkang de motor sa karagatang sakop ng nabanggit na lugar.
Nabatid na nasa kabuuang 137 master case na mga sigarilyo ang nakumpiska na ngayon ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceeding dahil sa paglabag sa section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). —sa panulat ni Angelica Doctolero