Pinatitigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang e-commerce platforms na Lazada, Shopee at Facebook Marketplace ang pagbebenta ng SMS blasting devices.
Kasunod na rin ito ng emergency alert na ipinadala habang naghahain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-presidente si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Ayon sa NTC, ang pagbebenta ng text o SMS blaster machines at kaparehong equipment ay paglabag sa radio control law at iba pang regulasyon tulad ng memorandum order ng ahensya o prohibition of portable cellular mobile repeater and portable cell site equipment.
Sinabi ng NTC na kailangang magpaliwanag ng e-commerce platforms sa susunod na labing limang araw kung bakit hindi dapat mapanagot sa mga paglabag at hindi dapat kumpiskahin ang mga “violative” products.