Timbog ang isang mayoralty candidate sa Mountain Province matapos mahulihan ng P2.2 milyon na halaga ng marijuana sa checkpoint, sa bayan ng Sadanga.
Kinilala ng PDEA at PNP ang suspek na si Sonny Kalaw, 36 anyos, dating pulis at kuma-kandidato sa pagka-Alkalde ng naturang bayan sa 2022 elections.
Naaresto rin ang apat na kasama ni kalaw na kinilalang sina Jonathan Abella, 37 anyos; Jeric Sansano, 30; Samson Damaso, 28 anyos at isang 17 anyos na lalaki.
Narekober sa mga ito ang labinsyam na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga bala ng 9mm pistol.
Sa isa namang hiwalay na operasyon, nasa P18.4 milyon na halaga ng marijuana ang nasabat din sa Sadanga habang apat na suspek ang naaresto.—sa panulat ni Drew Nacino