Isasara ang mga sementeryo sa Tuguegarao City, Cagayan sa Todos Los Santos sa Nobyembre 1 at araw ng mga patay sa Nobyembre 2.
Layunin nitong maiwasan ang mass gathering sa mga sementeryo bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, bagaman bumababa na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod, mataas pa rin ang positivity rate na nasa average 50 kada araw.
Dalawa hanggang tatlo kada araw pa rin ang COVID-19 related deaths sa Tuguegarao habang umabot nasa 30 ang namatay mula Oktubre 1 hanggang noong Martes, Oktubre 12.
Nakatakda namang makipag-ugnayan si Soriano sa Sangguniang Panlungsod upang magpasa ng ordinansa para sa pagsasara ng mga sementeryo sa undas.—sa panulat ni Drew Nacino