Inilunsad nitong Miyerkules ang school-based COVID-19 vaccination sa Mabalacat City College sa Pampanga na pinangunahan nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., at Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera.
Target ng school-based COVID-19 vaccination na matutukan ang pagbabakuna sa mga tertiary student sa bansa.
Nasa 800 college students ang nagpabakuna kontra COVID-19 sa MCC habang higit 600 estudyante naman ang nagpabakuna sa Our Lady of Fatima University-Pampanga.
Ayon sa CHED, sa 181 na mga unibersidad at kolehiyo na nagsasagawa ng limited face-to-face classes ay wala pang isang porsiyento ng mga mag-aaral ang tinamaan ng COVID-19.
Sa ngayon, higit kalahati ng higher education institutions na nag-report sa CHED ay nakapagbakuna na ng higit 75% ng kanilang personnel.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico