Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Malate, Manila.
Ayon sa ulat, nakarinig ng dalawang putok ng baril ang ilang mga residente bago natagpuan ang bangkay ng babae.
Sinabi naman ni barangay 704 Chairman Guillermo Friera, na hindi niya masabing residente ito sa lugar at nasa drug watchlist umano ang biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico