Kasado na bukas ang pagsisimula ng pagbabakuna sa general population kabilang ang mga nasa edad 12 hanggang 17 sa NCR.
Ayon ito kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez matapos mabakunahan na ang 70% ng populasyon sa Metro Manila.
Sinabi ni Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC) na sisimulan na bukas sa mga malalaking ospital ang 30% ng Metro Manila population kasama na ang mga menor de edad.
Matapos ang isang linggo ay magpapatuloy naman aniya ang bakunahan sa mga kabataan sa ibang LGU hospitals.