Mas malakas ang immune response kapag nabakunahan ng unang dose ng Johnson and Johnson COVID-19 vaccine at kung Pfizer o Moderna vaccine ang gagamiting booster shot.
Ito ang resulta ng pag aaral ng NIH na sinalihan ng mahigit 450 individuals sa Amerika matapos makatanggap ng unang dose ng Pfizer, Moderna o kaya naman ay J&J kung saan ipinapakitang ligtas para sa adults ang pagmimix and match ng tatlong brand ng bakuna.
Ayon pa sa resulta ng pag aaral, nagpapakita ng kahalintulad na adverse reaction and mix and match ng doses bilang booster shots sa ginagawang pagbabakuna para sa una at ikalawang dose at walang nakitang banta sa kalusugan.
Ang nasabing pag aaral ay nabigyan ng authorization sa Amerika na nagpapakitang nakakapag produce ng pareho o mas mataas na anti body response ang paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa booster shots kumpara sa pagtuturok ng parehong brand ng vaccines bilang ikatlong dose.