6 ang patay matapos makipagengkwentro sa mga pulis sa Sitio Boso-Boso, Antipolo City na pawang sangkot umano sa serye ng mga roberry hold up sa NCR, CALABARZON at Central Luzon.
Dati nang minamanmanan ng Highway Patrol Group Group at Rizal Police ang 6 na nasawi sa engkwentro sa mga pulis dito sa Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Sa panayam kay Police Col. Joey Arandia, Hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABARZON, Metro Manila at maging Central Luzon.
Nakatanggap umano sila ng intelligence information na magsasagawa ang grupo ng serye ng robbery holdup sa mga maliit na establisyemento sa Rizal.
Dahil dito, nakaaelerto umano ang mga pulis Antipolo at nakabantay sa posibleng pag atake ng grupo.
Sa official report, ala-una trenta ng madaling araw nang mamatyagan ng HPG Limbas mobile team ang 4 na suspek na sakay ng Sedan at 2 suspek na sakay ng motorsiklo.
Tangka umano ng mga ito na mang holdap sa Boso-boso shell gasoline station.
Pinapatukan ng mga suspek ang mga pulis at tumakas papunta ng direksyon pa Baras Rizal.
Hinabol sila ng HPG at na-monitor ng Antipolo Police ang insidente kaya naglahay ng road block sa Marcos Highway.
Nakorner sila ng mga pulis at pinasuko. Pero sa halip na sumuko ay nanalaban pa ang mga suspek.
Dito na nasawi ang 6 na suspek habang 1 pulis naman ang tinamaan ng bala pero ligtas naman ang kalagayan dahil nakasuot ng bullet vest.
Wala pang pagkakakilanlan ang 6.
Narekober naman sa kanila ang 6 na baril.
Pasado alas 7 ng maialis ang katawan nila sa kalsada at maisaky sa ambulansya. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)