Umabot na sa mahigit isang bilyong piso ang pinsalang dulot ng bagyong Maring sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinaka-matinding napinsala ang Cordillera, Cagayan Valley, Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western at Central Visayas Regions.
Mahigit 35,000 magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhan at aabot sa 59,514 metric tons at 52,132 hectares ng agricultural areas ang nasira o napinsala.
Kabilang sa mga apektado ang ekta-ektaryang maisan, palayan, high value crops, livestock at fisheries.
Magugunitang naglaan na ang DA ng 822 million pesos bilang paunang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo. —sa panulat ni Drew Nacino