Ipinanawagan ng Makabayan Bloc sa Kamara ang agarang pagpapalabas ng pondo para sa ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Maring.
Sa inihaing House Resolution 2296, nais ng grupo na agarang ma-irelease ang P10,000 emergency cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.
Binigyang diin sa resolusyon na dapat matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo partikular na ang mga nasa Northern Luzon at mga magsasaka lalo na ngayon na nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Una nang sinabi ng Department of Agriculute na aabot sa P1-B ang halaga ng pinsala sa agrikulutura ng pananalasa ng bagyong Maring sa bansa.