Target ng DOH na mabakunahan kontra COVID-19 ang 1.2-M batang may Comorbidities.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority mayroong kabuuang 12.7-M na batang edad 12 hanggang 17 sa bansa.
Lumalabas na 10% sa nabanggit na bilang ang mga batang may Comorbidities na prayoridad bakunahan ng gobyerno.
Ngayong araw, umarangkada sa walong ospital sa Metro Manila ang pilot pediatric inoculation na layong palawigin ang vaccination program sa bansa.