Marami ngayon ang madalas na nakararanas ng pagkahilo o vertigo dahil sa inner ear problem ng isang tao kung saan, nag-uumpis ito sa problema sa sipon o trangkaso at matagal itong gumaling na umaabot ng dalawang linggo.
Upang maiwasan ang ganitong sintomas, narito ang ilang mga tips para makontrol ang pagkahilo:
Umupo sa isang tabi at huwag munang gumalaw nang ilang segundo hanggang isang minuto.
Kung hindi naman grabe ang nararamdamang pagkahilo ay maari naman ituloy ang mga normal na gawain at isama ang palagiang paglalakad at pag-ehersisyo.
Dahan-dahan lang sa pagtayo kung ikaw ay nakahiga lalo na kung bagong gising at siguraduhin na ang inyong mga kamay at paa ay nasa maayos na kundisyon na bago tumayo.
Galaw-galawin ang iyong paa at hita upang umayos ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan.
Magsuot ng flat shoes at iwasang magsuot ng may takong dahil mas mahihirapan kang magbalanse.
Mas mainam padin ang pagsuot ng rubber shoes para maging matatag ang iyong paglalakad.
Bawasan din ang pag-inom ng alak at sigarilyo at alisin ang asin sa ating pagkain dahil posibleng dumami ang tubig sa ating katawan na nagdudulot ng pagkahilo.
Uminom ng salabat o gamot kagaya ng bonamine at uminom ng walo hanggang labing dalawang oras.
Matulog ng maaga, magbawas ng stress at magrelax.—sa panulat ni Angelica Doctolero