Pumalo na sa kabuuang 41,149 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng PNP Health Service ang 63 na bagong kaso ng virus.
1, 023 ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19.
40,004 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, 122 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.