Nakipagsanib puwersa na ang COMELEC sa iba’t ibang social media sites para mabantayan ang mga post ng mga kandidato sa 2022 National Elections.
Ipinabatid ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na binigyan sila ng access at tools ng Facebook, Instagram, YouTube at Tiktok para ma regulate ang political advertisements at ilang aktibidad ng mga tatakbong kandidato.
Sinabi ni Jimenez na magsisimula silang maghigpit ng political campaign sa February 2022 na simula na ng official campaign period para sa mga national candidates.
Mayruon aniya silang itinalagang mga tao sa ibat ibang social media sites para mabantayan ang mga pulitiko.