50 porsyento ang ibinagsak ng bilang ng mga bumibili ng bulaklak sa Dangwa, sa Sampaloc, Maynila ngayong Undas kumpara sa mga nakalipas na paggunita ng araw ng mga kaluluwa.
Aminado ang mga flower shop owner na tumaas ang presyo ng kanilang mga produkto dahil sa bagyong Lando na tumama sa Northern Luzon kaya’t posibleng mas prayoridad ng mga tao na bumili ng pagkain.
Karamihan sa mga bulaklak ay nagmula sa Baguio City at malaking bahagi ng lalawigan ng Benguet na isa sa pinaka-matinding nasalanta ng bagyo na nagbunsod upang tumaas ng P20 hanggang P30.
Gayunman, nagkaroon ng “oversupply” ng bulaklak dahil kaunti naman ang bumili ngayong taon kaya’t napilitan ang ibang mga nagtitinda na ibagsak na presyo ng kanilang mga produkto.
By: Drew Nacino