Muling ipinagdiinan ng aktres na si AJ Raval na hindi siya ang ‘third party’ sa paghihiwalay ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Ginawa ni Raval ang pahayag kasunod ng pag-amin niya kamakailan na nagkikita at nagde-date sila ng aktor.
Ayon kay Raval, mabuti siyang tao at hindi niya kayang gumawa ng masama tulad ng ibinibintang ng mga netizens.
Nagpapasalamat naman ng aktres sa mga nakakaintindi at sumusuporta sa kanya.