Taos-pusong nagpasalamat ang Philippine National Police sa Public Safety Savings Loan Association Inc. o PSSLAI bunsod ng tinanggap nitong 60 body-worn camera units at iba pang mga kagamitan na makatutulong para pag-ibayuhin pa ng mga awtoridad ang kanilang trabaho.
Pahayag ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, sa pamamagitan nito’y mapalalakas ang pagnanais ng liderato ng Pambansang Pulisya na patatagin ang transparency at accountability ng mga pulis sa gitna ng mga pagdududa sa mga operasyon sa mga nakalipas na taon, partikular sa war on drugs.
Sinabi ni Eleazar na ipamamahagi ang mga body-worn cameras sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, Anti-Cyber Crime Group o ACG, Anti-Kidnapping Group o AKG, PNP Drug Enforcement Group o PDEG at PNP Integrity Monitoring Group o IMEG.
Maliban dito, nag-donate din ang PSSLAI ng 1 unit ng Toyota Innova, 10 computers, 13 printers, 11 scanners, 3 shredders at 1 photocopy machine.