Pinalawig ng Commission on Elections ang voters’ registration period sa ilang lugar sa Region 2 na naapektuhan ng bagyong Lando.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hiniling ng mga taga-Cagayan Valley region na palawigin ang registration hanggang ngayong araw.
Gayunman, nilinaw ni Bautista na walang extension sa mga lugar na hindi naman nasalanta ng bagyo upang hindi maka-apekto sa preparasyon ng poll body.
Kahapon ang opisyal na pagtatapos ng pagpapa-rehistro para sa 2016 national at local elections.
By: Drew Nacino