Naging epektibo ang unang araw ng implementasyon ng alert level 3 system sa kalakhang Maynila.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos , ino-obserbahan nila ngayon ang pagsisimula ng alert level sa Metro Manila para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Aniya, patuloy nilang pinaaalalahanan ang publiko na sundin pa rin ang mga ipinatutupad na safety protocols para mapigil ang hawaan ng virus.
Paliwanag pa ni Abalos, napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayors na magkaroon ng unified guidelines sa lahat ng bayan ng Metro Manila.
Mas makakabuti aniya na iisang alert level lamang ang ipapatupad kung saan unified din ang ini-implement na ordinansa sa curfew, undas at major policies sa NCR.