Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 7-K bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 85,048 ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas matapos madagdagan ng 7,772.
Nasa 2,713,509 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa.
Habang nasa 2,587,881 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 1,634 .
40,580 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 156 na panibagong mga nasawi sa virus.