Humingi ng pasensya ang kampo ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa huling spot para sa senatorial line up nito.
Kasunod na rin ito nang paglalantad ni Robredo ng 11 kandidatong isasabak sa pagka-senador.
Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo na sumasailalim pa sa proseso ang pagpili nila sa huling Senatorial candidate ng Robredo-Kiko team.