Pinasinayaan ang bagong tayong Philippine Fleet Isolation Facility na nasa headquarters ng Philippine Fleet, Naval Bas Heracleo Alano sa Cavite City.
Ang nasabing isolation facility na binubuo ng 25, 20 footer container vans at itinayo sa 360 square meter compound na tila farmville sa halagang P13-M.
Ipinabatid ni Philippine Fleet Spokesperson Lt. Commander Ryan Luna na ang naturang isolation facility ay fully equipped at air conditioned container vans na makaka accommodate ng 46 na pasyente.