Maglalabas ng guidelines ang NCR Mayors ngayong araw hinggil sa paglabas ng mga bata sa ilalim ng alert level 3.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, ang mga batang edad 17 pababa ay papayagang lumabas ng bahay para mag-ehersisyo, bumili ng essential goods at services, gayundin ang intrazonal at interzonal travel.
Ang IATF ang maglalabas ng general guidelines ngunit maaaring magtakda ang mga lgu ng mga limitasyon.
Una rito, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi muna papayagang mag-dine in ang mga menor de edad.
Ang NCR ay isinailalim sa alert level 3 hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico