Humihingi na ng ayuda ang DOTr para sa mga driver gayundin sa mga mananakay kasunod nang panibagong oil price hike.
Kasunod na rin ito ng panawagan ng mga tsuper na magkasa ng across the board na umento sa pamasahe.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na dapat balansehin ang pangangailangan ng mga driver sa kakayanan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Tugade, tuloy-tuloy ang pakikipag ugnayan ng DOTr at LTFRB sa DOE para bumuo ng mga hakbanging makakatulong na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Bukod sa fuel subsidy, hinimok ni Tugade ang mga tsuper na sumali sa service contracting program kung saan babayaran sla ng gobyerno sa kada kilometrong itinakbo nila.