Bahagyang nadagdagan ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa NCR dahil sa kaso ng Covid-19.
Ayon sa PNP, umaabot na sa 83 ang mga naka lockdown na lugar sa Metro Manila.
Kabilang dito ang 38 kabahayan, 6 na residential building floors, 20 residential buildings, 6 na kalye at 13 subdivision mula sa mahigit 50 barangay at 6 na lungsod at munisipalidad sa NCR.
Naka deploy pa rin ang 238 PNP personnel at 220 force multipliers para matiyak ang minimum public health standards.