Nakatakdang irekomenda ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force ang pagdaragdag ng passenger capacity sa public utility vehicles sa National Capital Region.
Tugon ito ng DOTR sa lumalaking gastusin ng mga operator makaraang ibaba sa alert level 3 ang quarantine status sa Metro Manila.
Ayon kay DOTR Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor, makatutulong din ito sa hirit ng business sector na palaguin pa ang economic activities.
Gayunman, hindi pa idinedetalye ni Pastor kung ilan ang eksaktong bilang na idaragdag sa seating capacity.
Ang malinaw pa lamang anya ay dapat matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at driver at balansehin ang ekonomiya at kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino