Kasado na sa Mayo ng susunod na taon ang 31st Southeast Asian o sea games sa Hanoi, Vietnam.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Olympic Committee o POC President Abraham “Bambol” Tolentino matapos isapinal ang desisyon sa Sea Games Federation Online meeting, kahapon.
Bagaman inirekomenda aniya sa Mayo 12 ang petsa ng 31st edition ng sea games, hihintayin pa ang kumpirmasyon ng Vietnamese organizers.
Orihinal na itinakda ang Hanoi games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ngayong taon pero ipinagpaliban ng Vietnam dahil sa COVID-19 pandemic.
Magkakaroon naman ng 40 sports na binubuo ng 520 events sa Hanoi.
Samantala, nagsumite na ang POC ng 626-athlete entry na lalahok sa 39 na sports.—sa panulat ni Drew Nacino