Aabot sa mahigit 70,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa buong bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19 batay sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP Spokesperson Xavier Solda, kabuuang 74,730 ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
60% aniya ito sa mahigit 123,000 PDLs sa 400 piitan sa bansa.
Kasabay nito, ipinabatid ni Solda ang pagtatayo ng “ligtas COVID centers” para agarang matugunan ang mga may mild symptoms lamang na COVID patients.