Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng mga magulang, estudyante at guro sa gitna ng ilalargang limited face to face classes sa collegiate level.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, minimal lamang ang COVID-19 infections sa face-to-face classes sa naturang lebel kaya’t hindi ito dapat ipangamba sa ngayon.
Ito, anya, ay dahil in-person classes ang isasagawa sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 bukod pa sa tumataaas na vaccination coverage.
Inihayag din ni Roque na aabot na sa 31 milyon ang fully vaccinated sa bansa.
Magugunitang nilinaw din ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na ang pagpapatuloy ng face-to-face classes sa tertiary level ay naka-depende sa pangangailangan ng physical training at curriculum flexibility.—sa panulat ni Drew Nacino