Aarangkada na ang unang Sigwada ng best of seven series ng 2021 PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng TNT Tropang Giga at Magnolia hotshots.
Magsasalpukan ang dalawang koponan sa game 1 sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga, mamayang ala-6 ng gabi.
Kapwa uhaw at gutom sa kampyonato ang dalawang koponan na ilang taon ding hindi nakatikim ng titulo.
Taong 2015 nang huling masungkit ng katropa ang 2015 Commissioners Cup Championship habang noong 2018 ang huling championship ng hotshots sa governors cup.
Aminado ang mga coach na sina Chito Victolero, ng Magnolia at Chot Reyes ng TNT, na pareho sila ng iniisip at ito ay makipag-agawan sa titulo, na tiyak na hindi magiging dikdikan.—sa panulat ni Drew Nacino