Maaaring lumabas at magtungo sa malls ang mga bakunadong senior citizen.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing hindi binabawi ng Palasyo ang insentibo sa mga bakunadong senior citizens sa Metro Manila.
Aniya, dapat na dalhin ng mga senior citizen ang kanilang vaccination card kung magpupunta sa mga establisyemento.
Sinabi pa ni Roque na ang mga bata ang hindi pa pinapahintulutan na magpunta sa mga mall dahil karamihan sa mga ito ay hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico