Nabakunahan na kontra COVID-19 ang 24 na milyon ng 109 milyong populasyon ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, aabot sa 52.7 milyong COVID-19 shots ang naiturok na sa buong bansa, kung saan 28.2 milyon ang nabigyan ng unang dose.
Nasa 24,498,753 naman ang fully vaccinated na laban sa virus, na katumbas ng 31.76% na target na mabakunahan ng pamahalaan.
Sa Metro Manila, umabot na sa 7.8 milyong katao ang fully vaccinated na habang 9 milyon naman ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine. —sa panulat ni Hya Ludivico