Mas bumilis ang mobile internet speed sa bansa simula noong buwan ng Setyembre.
Base sa Ookla’s Latest Internet Performance Report, umabot sa 35.03 mbps ang average mobile download speed ng bansa.
Sa kabila nito, nananatili paring 63.15 mbps ang global average ng bansa kung saan, nasa ika 72 mula sa 138 na mga bansa pagdating sa usapin ng mobile download speed.
Samantala, bumaba din ang mobile internet upload speed ng bansa kung saan 8.54 mbps lamang ang naitala para sa buwan ng setyembre na mas mabagal kumpara sa 8.63 mbps noong buwan ng Agosto.—sa panulat ni Angelica Doctolero