Umakyat na sa 98 ang bilang ng mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown sa Metro Manila.
Base sa inilabas na ulat ng Philippine National Police Public Information o PNP-PIO, kabilang sa mga naka-granular lockdown ang 57 na mga bahay, 19 residential buildings, 13 subdivisions at residential building floors.
Matatandaang nuong nakaraang linggo nasa 71 lugar lamang ang nakasailalim sa granular lockdown ngunit ito’y tumaas sa 98.