Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos na kaya pang kontrolin ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng nararanasang bigat ng trapiko sa EDSA kung saan kapareho nito ang daloy ng trapiko noong wala pang pandemya.
Ayon kay Abalos, nasa 390, 238 ang mga sasakyan ngayon sa EDSA hanggang noong Oktubre 7 kung saan kaunti lamang ang pagitan nito sa bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA noong Hulyo 2019.
Bukod dito, giit pa ni Abalos na mabilis naman ang travel speed sa monumento papuntang Roxas Boulevard na aabot sa 23.43 kilometro kada oras.
Sa kabila ng naturang insidente, sinabi ni Abalos, suspendido pa rin ang number coding scheme sa Metro Manila.