Nagbabadya muling tumaas ang presyo sa LPG bunsod na rin ng pagtaas ng international contract price sa susunod na buwan.
Magtataas ng $65 o katumbas ng P3.50¢ kada kilo.
Higit P80 ang iminahal ng regular na tangke ng LPG ngayong Oktubre dahil sa pagtaas ng contract price ng imported na cooking gas.
Samantala, hindi naman nalalayo ito sa iba pang produktong petrolyo dahil kung saan nagmahal din sa unang dalawang araw ng trading sa international market ngunit posible pa itong mabago sa mga susunod na araw.
Ipinabatid naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bagamat hindi makontrol ng gobyerno ang pagmahal ng mga produktong petrolyo, hindi na umano aabot sa ganoong kalaki ang oil price hike sa mga susunod na buwan.