Pinag-aaralan na ng Department Of Science and Technology o DOST ang medicinal plant na “Sinta” o Andrographis Paniculata bilang gamot kontra COVID-19.
Ipinabatid ni DOST -Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, hindi lamang sa pilipinis ito sinusuri maging sa Southern Asia.
Ang sinta ay kilala bilang “Hempedu Bumi” o Bile of Earth sa Malaysia, at “Bhumi-Neem”o Neem of the ground sa India na kadalasang mapait ang lasa.
Bukod sa panlunas sa COVID-19, ginagamit din ang Sinta sa bansang India bilang gamot sa ubo, diarrhea, indigestion, bronchitis, lagnat, inflammation, at skin diseases.
Samantala sa china naman ay kilala ito bilang panlunas sa Colitiso Inflammatory disease sa colon , ubo, lagnat at dysentery.