Patay ang isang indibidwal habang anim naman ang sugatan sa dalawang serye ng aksidente sa bayan ng Alicia, Isabela.
Sa unang insidente, patay si Alfredo Gumpal, 21-anyos, ng Brgy. Linglingay mabangga ng isang kotse ang motorsiklong kaniyang sinasakyan sa national highway ng Brgy. San Fernando sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na patungong hilagang direksyon ang bumanggang kotse nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at napunta sa kabilang linya ng kalsada dahilan para mabangga ang van at bumangga naman ito sa motorsiklong sinasakyan ni gumpal.
Isinugod pa sa ospital ang biktima pero dineklara ding dead-on-arrival matapos magtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan.—sa panulat ni Angelica Doctolero