Nareskyu ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang bata matapos tangayin ng malaking alon sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar.
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may dalawang bata ang tinangay ng malakas na alon sa mas malalim na parte ng dagat.
Agad na pinuntahan ng dalawang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing lugar at iniligtas ang dalawang bata gamit ang life line rope.
Base sa nakuhang imbestigasyon, naliligo ang mga biktima malapit sa Coastal Road Seawall sa lugar nang biglang magkaroon ng insidente.
Sa ngayon, ligtas na ang mga bata at naihatid narin sa kanilang mga magulang.—sa panulat ni Angelica Doctolero