Target ng pamahalaan na maipasara ang ilang coal-fired power plants sa Mindanao.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, III, ito ay kapag nakakuha na sila ng sapat na pondo para maisaayos at mapalawak ang generating capacity ng Agus-Pulangi Hydropower Plant.
Ani Dominguez, kailangan nang gumawa ng mga hakbang para mabawasan ang greenhouse gas emissions ng 75% sa mga susunod na dekada.
Pinag-aaralan na rin ang planong tuluyang pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic.
Giit ng kalihim ito ang mga hakbang para malabanan ang climate change.