Nabakunahan na kontra COVID-19 ang nasa 81 posyento ng target population sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 7,957,963 katao o 81.4% ng target population ang naturukan ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines sa rehiyon.
Nabatid na ang NCR ang may pinakamataas na vaccine coverage sa lahat ng rehiyon, na sinundan ng Cordillera Administrative Region kung saan nabakunahan na ang halos 35 porsyento ng populasyon nito.
Sa ngayon ay umabot na sa 24.7 milyon ang bilang ng fully vaccinated individuals sa bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico