Pananagutin ang LGU’s na papayag na magbukas na ang mga palaruan sa kanilang lungsod ngayong nasaalert level 3 ang NCR.
Ito ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing at sinabing nakasaad sa guidelines na hindi pa pinahihintulutan ang pagbubukas ng mga playground.
Ginawa ni densing ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na may ilang malls na pinapayagan na ang mga bata sa kanilang mga palaruan.
Pagsasabihan din aniya nila ang mga alkalde na pabantayan ang mga lugar na madalas dayuhin ng mga tao. —sa panulat ni Hya Ludivico